I NEED MORE TIME...
Parang nung nag call center ako lumiit ang oras ko parang mas napupunta xa sa pagtulog. I wanna enjoy life pero xmpre how could you enjoy kung di ka naman responsible for yourself.
Nakakalungkot lang...
Total Pageviews
Saturday, 7 April 2012
Sunday, 1 April 2012
BIG WINNER
155 days, napakadaming housemates, 2 team na naglaban at kung anu anung tasks (o secret tasks) at mga taong naging daan para mapakita nila kung sino cla. Maraming nagsasabi na scripted lang ang PBB, pero sa tingin ko lahat naman ng reality show e scripted in a way. Pero di ibig sbhin ay lahat ng gnagawa ng mga palabas na ito ay scripted o sinsabi lang ng director, naging daan parin ito para makita natin ang iba't ibang tao, iba't ibang ugali, pananaw at pamumuhay.
Natapos na din ang Season 4- Pinoy Big Brother Unlimited at naganap ang lahat ngayong sabado, March 31, 2012 sa Quirino Grand Stand.
Sa 4th Place...
Natapos na din ang Season 4- Pinoy Big Brother Unlimited at naganap ang lahat ngayong sabado, March 31, 2012 sa Quirino Grand Stand.
Sa 4th Place...
PACO
Si Paco, galing sa Gensan. Sa totoo lang expected ko eh nasa 2nd 0 3rd place siya. Marami nagssabi na di siya deserving o napagbigyan lang dahil evicted na siya pero para sa akin deserved padin niya maging Big Four dahil isa siya sa nagpakatotoo dahil di man maganda ang ugali niya, nakita yun ng taong-bayan at kung anu ang nasa utak niya sinsabi niya, na naging dahilan din na marami ang nagalit saknya. Ipinakita niya na di lang siya puro salita at may gawa pa din.
BIGGEL
Si Biggel, 19 years old, Filipino-German. Eto ang medyo di ko disappointed ako, akala ko big winner pero siguro nga masyado pa siyang bata or immature kaya di niya nakuha ang boto. Di kasi siya nag step up at mas madalas ng yumuyuko lang siya sa mga housemates na mas dominante sknya. Pero panalo parin ang 500k at sana maging pulis siya para sa lolo at lola niya. Sayang bet pa naman siya ni Keanna!
PAMU
Si Pamu, ang batanguenyang makulit! Eto tlga bet ko manalo e, kinulang lang tlga sa boto. Well, that's life at least may pera padin xa na 1m :) cguro dahil na rin sa nangyri sa knla ni Kevin kaya mejo nagdalawang isip ang tao. Nakagawa xa ng infidelity sa loob ng bahay ni kuya, babae pa man din siya pero para sa akin ngpakatotoo lang siya sa knyang nrrmdaman, masama lang dahil nangyri ang lahat sa national television. Good luck sa pag aaral mo Pamu!
SLATER
Si Slater, ang cebuanong napaka pogi! Dito maraming nagulat nung siya ang nanalo lahat halos expected si Pamu or si Biggel ang mananalo. Sa tingin ko nangyri ang pag taas ng boto niya nung sa knya inasa ang lahat ng bala para sa bigshot for the big five, kahit natalo siya pinakita niya na ggwin niya ang lahat para manalo at hndi sa pagiging big winner ang pinunta niya dun kundi para sa pagbabago sa sarili niya. Isa ding cguro dahilan e nung natanggal si Divine, na isa ding cebuano napunta din sknya ang boto lalo na't gsto nilang love team ang dalawa. Deserving naman kasi siya kahit na alam ng lahat na di na niya kelangan ng pera pero pinakta niya kung anu ang isang BIG WINNER!
Kaya siya ang pinaka unang lalaking na nanalo sa regular pbb. :) Good Luck Engineer Slater!
Disappointed lang ako sa pagtatapus sa lahat ng pbb finale e eto na ata pinakapangit. Promise! Wla man lang element of surprise sa paglabas ni Slater, unlike previous Big Winners. Sana sa darating ng PBB Teen ngaun e maganda nag finale nila! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)

.jpg)

.jpg)