Total Pageviews

Saturday, 7 April 2012

TIME

I NEED MORE TIME...

Parang nung nag call center ako lumiit ang oras ko parang mas napupunta xa sa pagtulog. I wanna enjoy life pero xmpre how could you enjoy kung di ka naman responsible for yourself.

Nakakalungkot lang...

Sunday, 1 April 2012

BIG WINNER

155 days, napakadaming housemates, 2 team na naglaban at kung anu anung tasks (o secret tasks) at mga taong naging daan para mapakita nila kung sino cla. Maraming nagsasabi na scripted lang ang PBB, pero sa tingin ko lahat naman ng reality show e scripted in a way. Pero di ibig sbhin ay lahat ng gnagawa ng mga palabas na ito ay scripted o sinsabi lang ng director, naging daan parin ito para makita natin ang iba't ibang tao, iba't ibang ugali, pananaw at pamumuhay.

Natapos na din ang Season 4- Pinoy Big Brother Unlimited at naganap ang lahat ngayong sabado, March 31, 2012 sa Quirino Grand Stand.

Sa 4th Place...

PACO

Si Paco, galing sa Gensan. Sa totoo lang expected ko eh nasa 2nd 0 3rd place siya. Marami nagssabi na di siya deserving o napagbigyan lang dahil evicted na siya pero para sa akin deserved padin niya maging Big Four dahil isa siya sa nagpakatotoo dahil di man maganda ang ugali niya, nakita yun ng taong-bayan at kung anu ang nasa utak niya sinsabi niya, na naging dahilan din na marami ang nagalit saknya. Ipinakita niya na di lang siya puro salita at may gawa pa din. 

BIGGEL
Si Biggel, 19 years old, Filipino-German. Eto ang medyo di ko disappointed ako, akala ko big winner pero siguro nga masyado pa siyang bata or immature kaya di niya nakuha ang boto. Di kasi siya nag step up at mas madalas ng yumuyuko lang siya sa mga housemates na mas dominante sknya. Pero panalo parin ang 500k at sana maging pulis siya para sa lolo at lola niya. Sayang bet pa naman siya ni Keanna!

PAMU

Si Pamu, ang batanguenyang makulit! Eto tlga bet ko manalo e, kinulang lang tlga sa boto. Well, that's life at least may pera padin xa na 1m :) cguro dahil na rin sa nangyri sa knla ni Kevin kaya mejo nagdalawang isip ang tao. Nakagawa xa ng infidelity sa loob ng bahay ni kuya, babae pa man din siya pero para sa akin ngpakatotoo lang siya sa knyang nrrmdaman, masama lang dahil nangyri ang lahat sa national television. Good luck sa pag aaral mo Pamu!

SLATER
Si Slater, ang cebuanong napaka pogi! Dito maraming nagulat nung siya ang nanalo lahat halos expected si Pamu or si Biggel ang mananalo. Sa tingin ko nangyri ang pag taas ng boto niya nung sa knya inasa ang lahat ng bala para sa bigshot for the big five, kahit natalo siya pinakita niya na ggwin niya ang lahat para manalo at hndi sa pagiging big winner ang pinunta niya dun kundi para sa pagbabago sa sarili niya. Isa ding cguro dahilan e nung natanggal si Divine, na isa ding cebuano napunta din sknya ang boto lalo na't gsto nilang love team ang dalawa. Deserving naman kasi siya kahit na alam ng lahat na di na niya kelangan ng pera pero pinakta niya kung anu ang isang BIG WINNER!

Kaya siya ang pinaka unang lalaking na nanalo sa regular pbb. :) Good Luck Engineer Slater! 

Disappointed lang ako sa pagtatapus sa lahat ng pbb finale e eto na ata pinakapangit. Promise! Wla man lang element of surprise sa paglabas ni Slater, unlike previous Big Winners. Sana sa darating ng PBB Teen ngaun e maganda nag finale nila! :)

Wednesday, 14 March 2012

Pangarap ka na lang ba?

Sobrang tagal na nung huling nag post ako. Maraming nangyari, nagbago ang sched, puro labas.. haaayyy. At madaming iniisip.

Pero naka move on na ko. Natanggap ko na di para ito sa akin.

Alam ko na disappoint ko nanaman ang magulang ko pero alam kong tama na itong gagawin. Isa mga onting bagay na sa tingin ko tamang decision ko. :(

Di na ko mag tatake ng pangatlong board exam. Di ko naman tlga gsto mag trabaho sa isang hospital, mag alaga ng ibang tao, lalo na ung malulubha ung sakit. Ayw kong makagawa ng mali at buhay nila ang kapalit. Ayw ko lang mapahiya ang mga magulang ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Pero.. nagwa ko nanaman, kaya mas gusto ko nalang sa loob ng bahay ng wala silang msabi sa akin. Nakakahiya. Pero ayoko na.

Gusto ko ng gawin ang mga gusto ko. Ang pangarap ko.

Gusto kong mgkaroon ng business para mkaipon para mag aral ulit. Gusto kong gumwa ng kwento, either to write or to make them come true. Ngayon ko lang na realize, mula pa ng bata ako marami akong kwento dito sa loob ng utak ko na minsan in aact out ko ng ako lang mag isa. Mga drama, action, fantasy, comedy o kahit anu pa. Gustong gusto kong maging realidad ang mga nababasa ko. Yun pala tlga ang gusto ko.

Sana magawa ko na talaga xa. sana bago ako mamatay, magawa ko silang lahat. Sana po Lord kahit na ngayon parang di ako nakikipag usap sayo, di ako galit. I need time to heal. Pero di naman nwwla faith ko sau.



DREAMS ARE NOT JUST FANTASY
                                     YOU COULD MAKE IT
REAL!

Monday, 20 February 2012

DOWN for 2 days

I was down for 2 days..

Nakahiga lang, nag-iisip, nagseself-pity, depressed, minu-minuto naiiyak. Haaaaay... Ganyang ang feeling na-fail sa isang bagay. :(

Thursday: 
Nakita ko sa FB ang bad news. Dumaan sa mga mata ang lahat, "Congrats, RN na ako!, blah, blah,blah!"
Naghintay ako ng 1 oras, 2 oras, 3 oras... Walang nag congratulate sakin. It's safe to say bye, bye, bye nursing board exam...again...


Ang sakit..lalo na pag alam mo na papasa ka, na na-feel mo ang lahat. Pero di padin. I don't care sa numbers or kung yung mga kasama ko ba nung nag exam pumasa. Tinago ko lahat ng sakit sa mga magulang ko, sisihin lang nila ako, lalo langa ko malulungkot.


Dalawang araw na ganun ako, nagtatago sa parents ko. Alam ko yung nanay ko sisihin nanaman ako, yung tatay ko yayabangan nanaman ako. Pero di ko pinakita ko kung gaano ako ka-depressed, lahat ng dapat na gawun para matanggal yung sakit na ginawa ko. Ang msakit pa dun, nakisama pa sa sakit ang GF ko,haaaaay..
Naayos din naman kinabukasan. pero pagkagising ko nun, pagkalabas ng kuwarto, tinanong ako ng  nanay ko..


Mama: "Pumasa ka ba ng nursing board exam?"
Ako: " Ay di ko alam. Tignan niyo. di ciguro. Dapat alam niyo na yan alam niyo nga na lumbas na e"


Para makaiwas pumasok ako ng banyo, pumasok ulit ng kuwarto, iyak ulit.


BUWISIT NA NURSING!!! PERO MAS BUWISIT AKO :( 


BAKIT KO KASI PINILI ITO??? BAKIT???



Sunday, 12 February 2012

Inspiration

Today I got to watch a video about Jeremy Lin. The newest star in NBA, as of today. Napanood ko kung pano niya pinakita ang isang ktulad niyang asian na di katangkaran become a star in the NBA today.


Siya yung modern inspiration, sa mga kwento about him he is a graduate of Harvard, natutulog lang sa couch ng friend niya or pinsan (di ko maalala), undrafted at xmpre, asian. Pero his making a name for himself with the new york knicks ngayon.

Parang natuwa ako na naka 38 pts xa laban sa team ni Kobe at nagkaroon na siya ng mga nicknames, "Linsanity" na ang tawag sa knya.






Then I watched one Michael Jordan's Videos at mas lalo ako nainspire kay MJ, isa siyan sa mga taong hardworking and no fear to risk and face the world. Yung tipong against all adversity e ggwin niya ang lahat to reach his goal. That film make me realize na di naman lahat ng sikat ngayon e naging madali ang dinaanan, they have done so many sacrifices, dumaan sa failures and humiliation. Siguro one thing they had in common is, they never give up on their dreams. Kaya thank you kay MJ and to Jeremy Lin na sana magawa kong mag take risks and never give up.


"I can accept failure, everyone fails at something, but I can't accept not trying"
                                                                                                                           -Michael Jordan

                                                                           ~o~

I hope I can follow my dreams and one is to create a story that would make me great.

Thursday, 9 February 2012

Stressors

Matagal-tagal din akong di nakapag blog. Sobrang stress at pagod sa work. Mga lakad pero at least ngayon may time nako mag vent out. hehehe :)

This past few days marami din nangyari sa akin, nasstress sa kahahanap ng character reference ko dahil ayw tanggapin ng mga HR ng company namin ang pinagbbigay sa aking at ayw ko naman bumalik sa school namin dahil baka kung ano pa sabhin nila.

Di naman nursing ang trabaho ko..


It sucks, pero yun ang katotohanan. Minsan talaga mapag judge ang mga tao. Nakakaasar.

Nakahanap na ko ng dalawa, xmpre di ako yung naghanap talaga, nagpatulong, pero siya talaga ang naghanap para sa akin. At least my dalawa na kong tao na pumayag na maging character reference ko. Isa nalang. On going pa din ang paghahahnap.

Nakakastress din ang pag iipon, nung una pc ang gusto ko. Ngayon cellphone na kasi nahihirapan ako sa ginagamit ko. Nakakastress din yung may nagsasabi sayo na dapat yan ang bilhin mo.

Isa pa sa nakakapagpagabag sakin, (ang lalim, hehehe), eh ang result ng board exam. Alam ko napagdaanana ko na ito pero ganun padin, binabalewala ko ang feeling pero xmpre, in my heart pinapatay ako nito. Yung father dear ko di pumasa sa board exam niya e, ang dami ko ng narinig na kadramahan sa mama ko. Siguro naiisip niya napakafaithful niya kay God, pero di xa napagbbgyan sa prayers niya. Hehehe. Di lahat ng religious pinagbibigyan. Ako di man ako nagsisimba, pero sa sarili ko naniniwala ako sakanya. Di lang naman ang pag punta sa simbahan ang dahilan para makausap c God, nandyan lagi sa tabi mo, nag gguide sayo.

SOBRANG STRESSORS.. Araw araw, pabago bago, may nawawala at may nadadagdag.


Pero at the end of the day, pag may nangyari sayong maganda. Lahat ng stress nawawala.

Masaya ako para sa girlfriend ko at nakuha na niya gusto niya, di naman talaga niya gusto, pero trabaho para matupad niya ang mga gusto niya.

At least may nagpawala ng stress ko at xmpre ang pagsusulat sa blog na ito ay isa sa relaxation ko :)


Happy REST DAY for me!!!

Tuesday, 24 January 2012

DILEMMA

Ang dami dami ko nnaman iniisip at nasstress na ko sa kakaisip nito. haaaayyy :(

Gusto ko lang naman makuha kung anu gusto ko tlga, ayoko naman na dahil lang sa practical practical di ko nnman makukuha gusto.

Pero xmpre dapat naman tlga diba?


confused na tlga....


Sunday, 22 January 2012

I hate SOPA

SOPA- Stop Online Piracy Act
          -  a United States bill proposed by U.S. Representative Lamar S. Smith (Republican) to expand the ability of U.S. law enforcement to fight online trafficking in copyrighted intellectual property and counterfeit goods.


Yan ang bago bill na maraming tumutol. Sa totoo lang parang tinanggal niya ang freedom of speech ng mga taong gmgwa ng mga websites. Para sa aking kung gusto nila mahinto ang piracy, gumawa nalang cla ng task force para mahuli ang mga ito.


Ngayon without those helpful websites na nakakatulog sa amin na di nakatira sa U.S ay wala na. I can't even watch my favorite t.v series. At ung favorite kong website, aun parang palamuti nalang sa internet. Sana naman isipin nila ung mga tao hindi ung mga sarili nila, there are so many other ways to stop piracy. 




At para sa megavideo...




R.I.P 

YOU WILL BE 

MISSED T_T



Arrests in New Zealand

Acting upon a US Federal prosecutor's request, the New Zealand Police arrested Schmitz and three other Megaupload executives in a leased $30 million luxury mansion at Coatesville near Auckland on Friday, 20 January (NZDT, UTC+13).[36] This was pursuant to a request from the U.S. Federal Bureau of Investigation that the four be extradited.[37]Their bail request was opposed by US authorities and denied in a New Zealand court.[38] The raid was timed for the birthday celebration of Schmitz.[39] Assets worth $17 million including art works and luxury cars were seized. The four men arrested were Kim Schmitz (founder; 38 years old, from Germany), Finn Batato (CMO; 38, from Germany), Mathias Ortmann (CTO and co-founder; 40, from Germany) and Bram van der Kolk (29, from the Netherlands)

LET'S STOP SOPA!!!

Friday, 20 January 2012

Paranoid Customer

I worked for a call center. I'm a technical support. So usually mahirap din ang trabaho dahil di naman ako computer savvy.

Isa sa mga katuwaan sa trabahong ito yung makakatanggap ka ng malaking sweldo. Alam naman nating lahat yun. Pero minsan nakakaboring dahil calls ka ng calls araw, nakaupo sa harap ng PC, pareho pareho lang ang tawag. Pero minsan makakatagpo ka ng tawag na weird o nakakainis. Yung irate or illiterate na caller. Pero parte na yun na trabaho na minumura ka at ikaw ang sinisi sa lahat. Pero yung weird call, nakakabaliw at nakakatakot.

Kanina nakakuha ako ng ganun. Akala ko nung una mabait na customer na nagddrama lang. Pero nang lumaon. Ayun, nagsimula na. Nag kwento xa na tinatake over daw ang pc niya. Na parang na rape xa pag gngwa un at ang matindi pa dun kaya naging weird, umiyak xa dahil dun. As in iyak tlga, Nilagay ko siya sa speaker para marinig ng teammates ko. Nakakatawa na nakakainis kasi di mo matapos gngwa mo dahil dun, pagkatapus nag kwento sa na may nag eerase ng tntype nia at nakakakita ng pic ng babae na nasa sementeryo daw. Weird diba?

Halos 1 hr call yun. Nagpahelp na ko sa TL ko. Sinabi nalang nia na problema ng PC un. Hahahaha! Sinabi ko sa customer ko yun, hindi daw. At knwento niya sakin na may kaaway siya at may nanghahack sa kanya. Inadvice ko nalang ng kumontak xa ng mga authorities concerning sa hacker problem. At dun natapos. Hahaha!

Nakakatawa na nakakatakot. Minsan weird tlga mga tao. Pero at least natapos ko xa ng maayos. CLEAR RESOLVED!


Thursday, 19 January 2012

I Hate You Mr. Grimmy!

I saw death this morning... I hope di xa natuluyan.


One mistake could end up one's life. Simpleng pagmamaneho lamang could kill someone.


Kaninang umaga I saw a man rammed by a truck. Parang siyang paper doll nung nahagip at parang crumpled paper nung bumagsak. Napamura yung driver ng sinskyan kong FX. Big mistake na naupo ako sa harap dahil kitang kita ko ang pangyayari. Di ko alam kung anu na nangyri pagkatapos ang huling nakita ko ay bumaba ang driver ng truck.


I did not look back. I was stunned in my seat until we reached SMF. Lahat ng nakasakay sa Fx nagmumura pero ako natulala. Sabi pa ng driver sakin kung namumutla daw ako.


I never saw anything like that in my life. Pag nakasakay ako sa sasakyan at may nakikita akong malapit na mabangga na aso or pusa, pumipikit ako pero yung kanina di na ko napapikit at tao pa ang nakita kong nabangga.


Traumatic experience talaga. Yung feeling na nanginginig akoung umuwi, na nasusuka, na teary-eyed sa pangyayari.


LESSON LEARNED: Follow the traffic signs, lahat ng daan nakamamatay pag di nag-iingat.




I just hope he's okay... At ung driver ng truck, kung totoo yung sinsabi ng driver ng fx namin na nagmamadali ka dahil may truck ban sana mag sisi ka. Kung nag ingat ka lang di sana di ka makukulong ngayon.




I don't want to see you Grimmy!

Wednesday, 18 January 2012

BENTE-TRES

Jan. 12, 2012

11:30 pm

Dineactivate ko ang facebook ko dahil ayw ko makita ng mga officemates ko na-birthday ko. Nahihiya ako kasi siguradong aasarin ako na manlibre lalo na't friday yun at sweldo. Pero di ko parin naitago at may nakakkita parin sa facebook at inemail sa buong team ko. Nung una nagsinungaling muna ako ng Feb. 13 ang birthday ko pero di padin cla naniwala at nagpatuloy ang pang-aasar kaya umamin nalang ako. Maraming greetings at encouragement ang narining ko, may mga nagsabi na di ko naman kelangan ilibre cla. Natuwa ako dahil nakakahipo yun nung puso! ^_^

Jan. 13, 2012


MY BIRTHDAY


7:00 am


Pauwi na at nagsabi ang SGL namen na manlilibre xa.. Akala ko joke yun pero totoo pala. Dahil 5 am ang out ko naghintay pa kami hanggang 7am. Ang tagal tagal at antok na kaming lahat lalo na ko na gigising pa mamaya at aalis kasama ng gf ko.

Pero natuloy padin at pinakain kami. Niloloko pa ko na eto daw ang handa ko galing sa SGL namen. Busog na busog ako ^_^. Thank You BOSS!


Pag uwi tahimik lang ako at gnreet ako ng mama ko at nagpasalamat ako sa kanya pero masama padin loob ko dahil dun sa hiling ko.

2:00 pm


Nag handa na ko para umalis. Nagulat si mama nung pag labas ko ng kuwarto ko nakabihis na ko at handa na umalis. Sabi niya kumain muna ako ng pansit na niluto niya. May ice cream pa daw sa ref. Sabi ko "Kain kayo". Nakita ko na nalungkot xa, nasaktan naman ako dahil di naman niya kasalanan na di niya ako mapaheram ng pera kung hindi ang ama kong mayabang! Babawi nalang ako.

3:30 pm


Nagkita kami ng gf ko at nag celebrate ng birthday ko! Meron siyang regalo sa akin at sobrang natuwa naman ako kahit di ko pa nakkita. Yun ang unang regalo natanggap at baka yun lang ang matanggap ko. At kumain kami at pizza nanaman ang kinain namin. Punong-puno ako ng pizza na paborito ko. Wala naman ako reklamo.


Di rin namin naubos at nag request nalang ako na i-take out namen para iuwi niya. After nun dahil inaantok na ko nag kape naman kami!


At pagbili niya ng coffee may cake pa ko! HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Happy 23rd Birthday to me! :)

Then pasok na to work na punong puno na pa rin ng greetings at sumweldo ako kahit na nagbayad ako ng 1,200 para sa team bldg. Okay padin ^_^

Jan. 14, 2012

5:30 am

Nakuha ko na sweldo ko at naalala ko ang mama ko. Nag dala ako ng pasalubong para sakanila pag uwi ko na ikinatuwa naman nila ^_^

Eto ang breakfast namin :)

Natuwa naman ako dahil pag pasok ko sa kuwarto ko may gift sakin ang bunso kong kapatid. Nabuo na ang araw ko pinaka na touch ako at mejo naiyak sa gift nilang dalawa ng gf ko. Di man ganun kamahal pero sabi nga e "It's the thought that counts"

Matutulog na ko dahil may celebration pa kmi ng gf ko later.







4:00 pm

Ang una naming gnwa ay kumain. (Yun naman lagi namin ginagawa). Nag grill grill kami. Pero mejo nadisappoint ako dito kasi katulad ng ibang ganito wala dapat leftover. Parang nag decide kami magka leftover pero babyaran nalang namin pero di pala pde itake-out. Pero nevertheless, masarap padin xa.


Dahil busog nanaman kami naglaro muna kami para maibaba ang kumain.






At ang usual bago umuwi. Nag kape nnaman. Pero nung birthday may nagbigay sa gf ko ng sticker para planner kaya eto meron na din siyang planner.






That ends my birthday. Sobrang saya siya. Meron pa yang ksunod pero bago kasi nun nabadtrip muna ako sa ama kaya ayoko mag kwento ng masama sa birthday ko. 

HAPPY 23 TO ME ^_^










Thursday, 12 January 2012

No Happy On Birthday

Isa lang naman ang hiling ko sa birthday ko e...

Magkaroon lang ako ng isang bagay na gustong gusto ko at nangheheram ako ng pera di nanghihingi...

Sa madaling salita

NANGUNGUTANG...

Di ka na nag bago..

Ang taas pa din ng tingin mo sa sarili mo.

Thank you at tinanggal mo ung happy sa birthday ko :(