I was down for 2 days..
Nakahiga lang, nag-iisip, nagseself-pity, depressed, minu-minuto naiiyak. Haaaaay... Ganyang ang feeling na-fail sa isang bagay. :(
Thursday:
Nakita ko sa FB ang bad news. Dumaan sa mga mata ang lahat, "Congrats, RN na ako!, blah, blah,blah!"
Naghintay ako ng 1 oras, 2 oras, 3 oras... Walang nag congratulate sakin. It's safe to say bye, bye, bye nursing board exam...again...
Ang sakit..lalo na pag alam mo na papasa ka, na na-feel mo ang lahat. Pero di padin. I don't care sa numbers or kung yung mga kasama ko ba nung nag exam pumasa. Tinago ko lahat ng sakit sa mga magulang ko, sisihin lang nila ako, lalo langa ko malulungkot.
Dalawang araw na ganun ako, nagtatago sa parents ko. Alam ko yung nanay ko sisihin nanaman ako, yung tatay ko yayabangan nanaman ako. Pero di ko pinakita ko kung gaano ako ka-depressed, lahat ng dapat na gawun para matanggal yung sakit na ginawa ko. Ang msakit pa dun, nakisama pa sa sakit ang GF ko,haaaaay..
Naayos din naman kinabukasan. pero pagkagising ko nun, pagkalabas ng kuwarto, tinanong ako ng nanay ko..
Mama: "Pumasa ka ba ng nursing board exam?"
Ako: " Ay di ko alam. Tignan niyo. di ciguro. Dapat alam niyo na yan alam niyo nga na lumbas na e"
Para makaiwas pumasok ako ng banyo, pumasok ulit ng kuwarto, iyak ulit.
BUWISIT NA NURSING!!! PERO MAS BUWISIT AKO :(
BAKIT KO KASI PINILI ITO??? BAKIT???

No comments:
Post a Comment