Total Pageviews

Wednesday, 14 March 2012

Pangarap ka na lang ba?

Sobrang tagal na nung huling nag post ako. Maraming nangyari, nagbago ang sched, puro labas.. haaayyy. At madaming iniisip.

Pero naka move on na ko. Natanggap ko na di para ito sa akin.

Alam ko na disappoint ko nanaman ang magulang ko pero alam kong tama na itong gagawin. Isa mga onting bagay na sa tingin ko tamang decision ko. :(

Di na ko mag tatake ng pangatlong board exam. Di ko naman tlga gsto mag trabaho sa isang hospital, mag alaga ng ibang tao, lalo na ung malulubha ung sakit. Ayw kong makagawa ng mali at buhay nila ang kapalit. Ayw ko lang mapahiya ang mga magulang ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Pero.. nagwa ko nanaman, kaya mas gusto ko nalang sa loob ng bahay ng wala silang msabi sa akin. Nakakahiya. Pero ayoko na.

Gusto ko ng gawin ang mga gusto ko. Ang pangarap ko.

Gusto kong mgkaroon ng business para mkaipon para mag aral ulit. Gusto kong gumwa ng kwento, either to write or to make them come true. Ngayon ko lang na realize, mula pa ng bata ako marami akong kwento dito sa loob ng utak ko na minsan in aact out ko ng ako lang mag isa. Mga drama, action, fantasy, comedy o kahit anu pa. Gustong gusto kong maging realidad ang mga nababasa ko. Yun pala tlga ang gusto ko.

Sana magawa ko na talaga xa. sana bago ako mamatay, magawa ko silang lahat. Sana po Lord kahit na ngayon parang di ako nakikipag usap sayo, di ako galit. I need time to heal. Pero di naman nwwla faith ko sau.



DREAMS ARE NOT JUST FANTASY
                                     YOU COULD MAKE IT
REAL!

No comments:

Post a Comment